Monday, January 31, 2011

Road Accident


Mabilis lumipas ang araw,
Mas mabilis pa sa jeepney ni tatay na sarao,
Ang nakalipas ay para kahapon lamang,
Na paramg ang pagitan ay isang tulog lang.

Pero wala ng bibilis sa box type na kotseng ito,
Sa sobrang hagibis ay tila di kumagat ang preno,
Buti na lang hindi ako ang nakasakay dito,
Baka ako ay natigok agad at nasa langit na ako.

Sa pagmamaneho sa kalsada ikaw ay maghinay hinay,
Tamang takbo ng sasakyan mo at sa manibela'y nakaalalay,
Kapag nangangarera ka matatakot ang iyong mga sakay,
Mapapaihi sa salawal at baka si lola'y mahimatay.

Maraming aksidente kagaya nito,
Lalo na kung driver ay walang disiplina at modo,
Kaya kaibigan buhay paka-ingatan,
Upang huling araw sa buwan ng Enero iyo pang maabutan. ☺►



Akala nya siguro sya si Micahel Schumacher.


Ang manibela ay halos nakadikt na sa upuan.


Yung box type naging crumpled type.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...