Thursday, January 6, 2011

Biscuit ng Pinoy

Noong bata pa ako ay palagiang may dalang lata ng biskwit ang mga taga amin na umuuwi galing sa Maynila. Bakit nga ba yun kalimitan ang pasalubong pag galing ka ng Maynila?



Eto ang mga naiisip kong dahilan bakit:

1. Mura. Sa halagang P100 noon ay may 1 lata ka na ng biskwit.

2. Madami ang laman. Kanina ay may nagbigay ng isang latang biskwit (nasa plastic na nga pala ngayon)... Andami pala ng laman niya.. kung madami kang bibigyang pasalubong sa pag uwi mo ay pwedeng pwede ang lata ng biskwit. Madami kang mabibigyan at madaming bata ang matutuwa at makakatikim ng biskwit galing Maynila..



3. Masarap at nakakabusog. Sinubukan kong kumain ng 10 piraso.. ay ala busog din eh.. tapos inuman mo pa ng tubig... ayos na!

4. Madaming mapagpipilian. Ang unang nauubos sa lata ay yung wafer kasi matamis.. pero yung parang sky flakes, yun ang natitira.

5. Pwede mong upuan ang lata sa biyahe. Minsan kasi punuan ang bus kaya di ka makakakuha ng upuan. Tsaraan.. instant na upuan ang lata ng biskwit.

6. At pag naubos na ang biskwit sa lata... pwede mo pa itong gawing lalagyan ng bigas.. may rice dispenser ka pa.. ayos!

Madaming gamit at madaming pakinabang,
Yan ang lata ng biskwit na dala ni tatang,
Matutuwa na ang mga kapamilya at mga bata,
Sulit talaga ang biskwit sa lata. ☺►

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...