Monday, January 10, 2011

Horse Ranch sa Festival Mall


Yan si Zebra.. isa sa mga kabayo sa rancho festival..

Papunta talaga akong bangko para magpapalit ng natirang allowance ko...allowance yun ng pumunta kami ng ibang bansa.. siyempre dollar yun.. maganda ang palitan ngayon tumaas ng konti.

Habang naglalakad ako pauwi nakita ko ang rancho ng mga kabayo sa bakanteng espasyo... Masayang naghahabulan ang mga bata at tsikiting habang nakasakay sa kanya kanyang kabayo.. Sige... hiyaah tigi dig tigi dig tigi dig.. siyempre wala ng ganung tunog kasi may mga gulong ang apat na paa ng kabayo. Kailangang yukyukan ng mga bata ang kabayo na parang tunay na kabayo para gumalawang mga ito.

Ayos din yung nakaisip nito para maging laruan ng mga bata... pero laging paalala sa mga magulang nila.. 5 years old below ay kailangan pa rin ng assistance ng kanilang papa o mama..

Maligayang paglalaro! ☺►



Naunahan ko na kayo.. habol..


Bilis nandyan na ako!..


Sa sobrang bilis ng kabayo nagblur na ang kuha ko..



O ano pagod na yata ang kabayo nyo ah..

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...