Monday, January 17, 2011

Razon's Restaurant

Halo halo?.. masarap na halo halo! Yan ang ipinagmamalaki ng Razon's at dyan sila nakilala. Sa halagang 85 pesos ay matitikman mo na ang kanilang masarap na halo halo.
Kagaya lang siya ng ordinaryong halo halo na alam mo.. ang kaibahan lang siguro base sa aking observation at experience ay:

1. Napakapino at buhaghag ang kanilang yelo hindi kagaya sa Chowking na nagbuo buo at parang bato (Maririnig mo yung ingay ng makina gadgaran ng yelo habang hinihintay mo ang halo halo na order mo... krrrggg krrrgg krrrggg...)

2. Yung hinahalo nilang asukal ay ang matamis na bao. Amoy mo kasi yung kakaibang aroma ng asukal sa bao at masarap siya.

3. Yung gatas na inihahalo nila parang natural na gatas ng baka o kalabaw.. naisip ko lang.


Pero maliban sa halo halo ay nagdagdag na rin sila ng ibang pwedeng i order na Razon's. Pwede ka ng kumain doon ng meal na may ulam at kanin. Medyo may kamahalan pero sulit naman kasi masarap yung kanilang ulam at napakaganda ng kanilang kanin. Paalala lang.. wag kang kakain dito araw araw, baka madali kang mamatay kasi puro mantika at cholesterol ang ulam nila.. pero masarap!

Heto yung mga pictures ng aming kinain... ☺►



Sizzling Sisig... Hmmm saaraap! Dapat may hot sauce..


Sizzling Bulalo... Hmmm double sarap.. nasa butter sauce..

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...