Friday, January 7, 2011

Mamihan sa Festival Mall

Mami noodles.. yan ang masarap kainin ngayong malamig ang panahon. Mainit na sabaw na galing sa pinakuluang buto buto.. na umuusok pa habang inihahain sa iyo. Talagang malasang sabaw na may tinadtad na dahon ng sibuyas, pritong bawang, paminta para maanghang at iba pang sahog.. tapos may patis o asin kang panimpla ayon sa iyong panlasa...sarap!





Beef mami ang aming inorder sa isang Mongolian restaurant.. ito ay sa kabutihang loob ng aking nanay..

Maganda ang lugar.. maayos at magalang ang mga empleyado.. medyo matagal nga lang ng konti kumpara kina Jolibee at McDo.. siyempre fast food yung mga yun eh. Ang kagandahan lang ay totoong pagkain ang kakainin mo.. healthy, di kagaya ng fast food na puro mantika at junk food. Yun ang dahilan bakit madaming matataba o obese dito sa Pinas.

Enjoy your meal!


Sunod kong hahanapin ay ang Maming Gala.. yung nasa padyak na nagtitinda ng mami.. ☺►


Maganda yung lugar..


Tsaka di ganun kadami ang tao..


Pwede kang pumili dito tapos iluluto nila..


Beef Teriyaki..

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...