Monday, March 30, 2009
Kultura ng Pinoy
Kultura?.... ano nga ba ito? at ano ang nagagawa nito sa isang tao?....o kaya sa isang bansa?
May iba't ibang kultura sa bawat bansa.... sa bawat lahi... sa bawat indibidwal... Ito ay ang pagkakakilanlan ng isang tao o grupo ng mga tao... ika nga nila identity.... ito rin ang dahilan kung bakit mo ginagawa ang isang bagay..... o paano mo ito ginagawa.....
Bilang Pinoy, ang kasaysayan natin ay kinulayan ng iba't ibang bansa na sumakop sa atin... iba't ibang lahi na nanirahan sa ating bansa sa magkakaibang panahon... nandyan ang mga prayleng kastila na galing sa Europa... ng mga Amerikano na galing sa Hilagang Amerika... at sa Hapon na galing Japan... Pero bago pa man dumating itong mga banyaga... tayo ay may sarili ng pamumuhay at kultura... ang pagiging tunay na Pilipino ng ninuno nating mga Malays.... mga Aeta... mga Intsik... at mga Muslim... at ang iba't ibang tribu sa bawat. Bawat isa ay may sariling kulay... may sariling panlasa... kaya kapag pinaghalo halo mo ay makulay sa paningin... at masarap sa panlasa...
Ang blogsite na ito ay naglalayong magbigay ng kaalaman sa kultura ng Pinoy.... magtalakay ng napapanahong balita o mga pangyayari na nakakaapekto sa pamumuhay at kultura ng pinoy... magbahagi ng karanasan o kaalaman tungkol sa mga bagay bagay.... maghamon sa mga natutulog na kaisipan.... maglarawan ng kagandahan ng kultura ng Pinoy at bansang Pilipinas..... maglahad ng pangit na anyo o bahagi... at magpukaw sa mga isip at puso ng kapwa nating mambabasa para paunlarin ang sarili at ang kalagayan ng nakapaligid sa atin.
Samahan nyo ako! habang pinag-uusapan natin ang kutura ng Pinoy at ang inyong mga ideya tungkol dito.
Tara na! Simulan na natin.
Kultura
Awit
Kasabihan
Laro
Laruan
Lugar
Naruto Manga
Pagdiriwang
Pagkain
Prutas
Trabaho
PCSO Grand Lotto Results
Paano Manalo sa Grand Lotto
-----
*Ang dalawang larawan ay hango sa mga pinta ni Fernando Amorsolo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment