Bata pa ako ay gusto ko ng lumipad,
Maging astronaut sa outer space ay mapadpad,
O kaya naman maging ibon kagaya ng agila,
Na kayang abutin ang kalangitan habang gumagala.
Magsisirko sirko sa puting mga ulap,
O kaya naman sa ulap ay magtago para hindi mahanap,
Biglang lilipad ng mabilis para makatakas,
Kapag ako ay hinahabol ng mga kaibigan kong may tigdas.
Makikita ko ang pasikat at paglubog ng araw,
Sa ibang angulo at perspective kasi ako ay nasa ibabaw,
Sigurado kakaiba ng kumbinasyon ng mga kulay nito,
Bughaw, dilaw, pula, puti,luntian, at kahit ano ano.
Nakakatuwa siguro na isipin ang mga ito,
Dahil ito ay malayo sa realidad at totoo,
Pero di mo kailangang itigil ang pangarap mo,
Malay natin sa hinaharap ito ay magka totoo. ☺►
Dagdag kaalaman sa Boeing's Phantom Ray
No comments:
Post a Comment