Wednesday, May 25, 2011
Typhoon Chedeng
Para sa ating mga kababayan..
Patuloy na maghanda ng mga gamit at pagkain lalo na sa tatamaan ng bagyong Chedeng. Mas maigi ng nakahanda kaysa sa ikaw ay mabulaga. Ihanda ang sarili pati na rin ang kasamahan sa bahay sa pwedeng mangyari tuwing may bagyo.
1. Mag imbak ng inuming tubig at pagkain na madaling lutuin kagaya ng mga de lata at noodles. Tinapay, biskwit, at palaman mga pagkain na di na kailangang lutuin.
2. Magkaroon ng flash light na laging handa para kung sakaling mawalan ng kuryente o magbrown out.
3. Magtabi ng tuyong damit at ilagay ito sa selyado o sealed na lalagyan para di pasukin ng tubig.
4. Ilagay din ang mahahalagang papeles kagaya ng Birth Certificate, passport, etc sa sealed at waterproof na lalagyan.
5. Kung kayo ay malapit sa tabing ilog at dagat ay mas maigi na lumikas sa mas mataas na lugar.
6. Ihanda din ang sarili kung papaano ka makakatulong sa mga apektado ng bagyo.
Maging ligtas at laging handa! ☺►
Labels:
Bagyo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment