Thursday, May 26, 2011
Salve’s life: A strong case for RH bill
SALVE Paa does not know what the RH bill is, but she admits that her family is suffering financially, primarily because she has too many children. LESTER CAYABYAB/CONTRIBUTOR
Salve’s life: A strong case for RH bill
Isang matunog na usapin ang RH Bill.. sa Kongreso... sa Senado.. maging sa barber's shop kung saan ako nagpapagupit.. sa may tindahan ni Ate Rhona.. at bawat isa ay may kanya kanyang opinyon tungkol dito.
Naniniwala pa rin ako sa prinsipyo ni Gat Jose Rizal... Na ang edukasyon ang susi para mai-ahon ang ating bansa sa kahirapan. Hindi edukasyong pormal na galing sa eskwelahan kundi ang pagkatuto ng bawat Pilipino kung ano ang tama at nakakabuti sa nakakarami. Marami namang tapos sa paaralang Elementarya, High School at Kolehiyo.. pero walang pagkatuto kung ano ang disiplina sa sarili, pagmamahal sa iba, pagkalinga sa mga nangangailangan, kasipagan at patitiyaga sa anumang gawain, matalinong pag-iisip ng mga paraan para mapa-unlad ang pamumuhay, pangangalaga sa kalikasan, atbp. Kaya tingnan mo ngayon ang kalagayan ng Pilipinas... baon pa rin sa kahirapan, kurapsiyon, at krimenalidad.
Bagkus ang karamihan ay nabubuhay lamang para sa kanyang sarili at walang paki-alam sa kanyang kapwa o sa nakapaligid sa kanya. Mga magulang na walang paki-alam kung ano ang pangarap ng kanilang mga anak... walang paki-alam kung sila ba ay lalaking mabuting mamamayan ng bansang Pilipinas.
Ako ay 100% pro RH... 100% para sa Responsable at Huwarang mga magulang na magtataguyod ng kanilang mga anak para maging mabuting mamamayan ng bansang Pilipinas. ☺►
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment