Saturday, December 17, 2011

Typhoon Sendong - December 2011

Patuloy na paghahanda at pag-iingat sa lahat ng kakababayan natin sa lugar na tatamaan ng bagyong Sendong.
Panalangin na ito ay wag magdulot ng kawalan ng buhay ng tao.. malapit pa naman ang Pasko. :)








Monday, December 12, 2011

Jollibee Regular Yum Burger

Ito ang isa sa mga best seller na brand ng Jollibee... ang kanilang Regular Yum Burger.
Hindi ito matalo talo ng kahit anong burger kasi nakatatak na sa isipan ng maraming tao simula pagkabata ay "ang masarap na hamburger ay sa Jolibee!" Ito siguro ay epekto ng magagandang commercials na napapanood sa TV at siyempre sa actual o totoong buhay ay masarap din naman talaga. :)


May balot pa at kabibigay lang sa amin ng nanlibre... :)



Bagong bukas na Regular Yum.. di siya kagaya ng nasa poster o picture.. Malambot ang tinapay nila kasi lumubog ang parte kung saan ko siya hinawakan..


Ang aking unang 2 kagat.. Panalo ito.. libre.. he he he

At ito ay oras na para sa Food Review..

Pagkain - ★★★★
Malabot ang tinapay, tama lang ang pagkakaluto, fresh pa.. siguro di naman ito lagpas ng 48 hours simula ng mailabas sa hurno.
Ang kanilang burger patties ay hindi masasabing 100% beef kasi ito ay processed na. May mga ingridients na naidagdag para mas lalo itong sumarap at madali itong kainin. At kapag tinikman mo ang burger nila ay kuhang kuha talaga yung panlasa na gusto ng mga Pinoy.. simple pero masarap at madaling kainin.

Halaga - ★★★
Kailangan ko pang iresearch yan.. kasi libre lang ito sa amin nung isang araw.. :)

Others
Simple, malinis, at may catch phrase na "Langhap Sarap" para madali mong maalala.

Basehan ng Review
★ - Di katanggap tanggap
★★ - Pwede ng pagtiyagaan
★★★ - Good o Average
★★★★ - Mas lamang kumpara sa iba
★★★★★ - Panalo ito at di ka magsisisi

Friday, December 9, 2011

The Sandwich Guy

Ngayon ko lang nalaman na meron palang ganito.. The Sandwich Guy! Siguro gumagawa sila ng sandwich.. hello obvious na obvious naman kaya.. pero ang tanong dun.. "Ano ang kakaiba sa sandwich nila kumpara sa ibang gumagawa ng iba't ibang sandwich?"

At ang sagot ay siyempre sa kanilang logo.. "Fresh not Fried". Sila ay gumagawa ng sandwich na walang mantika.. toasted ang tinapay.. keso at gulay ang palaman.. at may dressing din.. :)






At ito ay oras na para sa Food Review..

Pagkain - ★★★
Di mo mabilis na mauubos ito kasi di ganun ka exciting ang lasa.. pero habang kinakain mo siya ay may dressing na medyo matamis kaya matutuwa ka na rin. Mabango ang medyo toasted nilang tinapay.. wheat bread pa yata ito para healthy.

Kung keso, lettuce, at kamatis ang palaman nito.. sigurado hindi ito patok sa mga bata. Pero sa mga health concious.. sigurado mabenta ito.

Halaga -
Di ko alam ang presyo kasi libre lang ito sa amin.. he he he Yun ang assignment ko..


Others
Packaging ay malinis at pulido.

Basehan ng Review
★ - Di katanggap tanggap
★★ - Pwede ng pagtiyagaan
★★★ - Good o Average
★★★★ - Mas lamang kumpara sa iba
★★★★★ - Panalo ito at di ka magsisisi

Thursday, December 8, 2011

Ensaymada sa Pilipinas



"Pabili nitong Ensaymada.." sabay turo kung saan ito nakalagay sa eskaparate.. Yan ang kalimitang ginagawa ko kapag bumibili ako ng ensaymada sa isang bakery na malapit sa amin.

Masarap ang ensaymada sa almusal at meryenda. Malambot kainin at malinamnam kasi may mantikilya at asukal sa ibabaw nito. Panalo ang kumbinasyon ng mantikilya at asukal, simple pero masarap. :)

At ito ay oras na para sa Food Review..

Pagkain - ★★★
Malambot naman ang tinapay niya pero di gaanong siksik at malambot kumpara sa ibang ensaymada. Naalala ko tuloy ang commercial ng Nido (si Kris at si baby James).. "What's siksik mama?"
Panalo ang keso nito dahil binabalanse ang tamis ng asukal na nakalagay sa kanya. Maalat kasi ng konti ang kesong inilagay dito.

Halaga - ★★
Medyo may kamahalan pero kaya naman ito ng mga middle class nating kababayan.
Presyo = P17

Others
Packaging ay malinis at pulido.

Basehan ng Review
★ - Di katanggap tanggap
★★ - Pwede ng pagtiyagaan
★★★ - Good o Average
★★★★ - Mas lamang kumpara sa iba
★★★★★ - Panalo ito at di ka magsisisi

Tuesday, December 6, 2011

Doughnut Buy or Do Not Buy



May nanlibre ulit ng meryenda sa amin.. isang giant o oversized doughnut mula sa Dunkin Donut. Chocolate flavored na sweet glazed.. napa isip tuloy ako kung ilang calories meron ang isang doughnut na ganito?... ang pagkain ba na ito ay healthy? Maraming nagtitinda ng Doughnut malapit sa trabaho.. Mister Donut, Dunkin Donut.. at yung medyo sosyalin.. ang Krispy Kreme..

Nabasa ko ang article na ito tungkol sa Doughnuts.. ito ay informative at ito ang mga bago kong kaalaman:

1. May National Doughnut Day pala sa US.. ano to holiday rin sa kanila?... o baka regular working day rin?... Kapag bumili ka ba ng doughnut ng araw na ito ay pwede ka ng di pumasok sa trabaho?... o may libre kang isang box ng doughnut kapag pumasok ka?

2. Fried pala ang doughut.. siguro yung iba.. pero ang alam ko karamihan ay baked na.

3. White flour + madaming calories + di ka mabubusog sa isang doughnut. Karamihan ng doughnut ay matamis o madaming asukal ang ginamit.. kaya mataas ang calories nya.. At siyempre.. bite size lang sila kaya kulang sigurado ang 1 piraso saiyo.

Kung kakain ka nito araw araw.. sigurado hindi ito magiging maganda sa kalusugan mo. Ang tamang prinsipyo sa pagkain ay.. "Eat Healthy and Observe Moderation."

At anumang sobra ay nakakasama.. Enjoy!


What NOT To Eat, and Why – No. 2 – Doughnuts

3 days ago (June 5) was National Doughnut Day in the US. Which is a good time for something which might seem like blasphemy to some of you – you shouldn’t eat doughnuts.

Why?

1. They are fried – Meaning that they are rich in fat. You can see in the food label below that each doughnut has about 10 grams of fat – 16% of a day’s recommended value (and this is just a generic one. Chain store ones may contain even more). Eat 3-4 doughnuts (one is never enough, is it?) and this covered 50% of your allowed fat consumption for the day. And the fat itself is the bad type, as you’ll see below.

2. They are full of sugar – Sugar is bad for. It raises your insulin level, which, if done too much (if you eat a lot of sugary foods) will cause weight gain and will put you at risk for diabetes. Even though there are times when sugar is important for our body (after exercise, for example), during a regular day the body doesn’t need sugar in the form of sugar. So what does it do with it? It turns it into fat…
Add to that teeth problems, since the bacteria in your mouth enjoy the feast as much as you do, and you’ve got yourself a sac full of problems.

3. They are made of white flour – The latest dietary guidelines advise that at least half of all the grains in our diet will be whole grain. White flour, also called “refined flour”, is missing the fiber-rich parts of the grain, leaving the least nutritious part of the grain. The fiber-parts of the grain are important for our metabolism, give a sense of fullness (meaning you don’t have to eat as much), and help in preventing colon cancer.White flour, on the other hand, lacks vitamins and minerals. It also has a high glycemic index (see the article about French fries), meaning it causes a rapid spike in our blood sugars. Diets rich in high glycemic index foods have been linked to an increased risk for diabetes, heart disease and obesity.



Mmmmm…. doughnut….. NOT. Photo by James Jordan

4. They contain trans fat – As you can read in the previous article in this column (about French fries), trans fat is bad for you, since it raises your chances of having atherosclerosis and heart attacks.

5. They contain a lot of calories – 200 calories per doughnut. Eat a few more and you have eaten a whole meal of junk.

6. You usually can’t stop at one – They are small, they taste good, and one is never enough. You need at least another one to go with the iced coffee you just bought… Before you notice, (at least) 2-3 have gone down your throat.

Many people look at doughnuts as breakfast food, which is a big mistake. It will sky-rocket your blood sugar, which will then fall soon-after, just to leave you hungry for more food.



Nutrition data for a sugared or glazed doughnut (data taken from nutritiondata.com)

What’s an alternative?

That’s a tough one. Since doughnuts are made of unhealthy ingredients through and through, there isn’t much you can change about them to make them healthier (besides maybe trying whole wheat doughnuts, but that won’t change the other unhealthy stuff in them).

What you can do is eat other things to satisfy your sweet tooth: A study from 2006 showed that a sweet tooth can be satisfied by eating fruit instead.

Got any tricks of your own for conquering that sweet tooth? Share them in the comments.

Article from http://www.diseaseaday.com

Monday, December 5, 2011

Pan De Coco



Nung bata pa ako ang aking tinapay na paborito ay pan de coco..
Matamis kasi ang nasa loob na kinudkod na galing sa niyog na may bao..
Maliliit at pabilog kalimitan ang hugis nito..
Pinipitpit.. at iniipit ang tinapay bago sa bibig ito isusubo. =)

Kakaiba naman itong pan de coco sa Pan De Manila..
Para itong local version ng cinnamon roll ah..
Mabango at masarap kaininin ang pan de coco na ito..
Medyo mahal nga lang kumpara sa simpleng natikman mo.

At ito ay oras na para sa Food Review..

Pagkain - ★★★
Ang tinapay ay tama lang ang lambot at ang minatamis na niyog ay sobrang dami kumpara sa ordinaryong pan de coco. Kaya ang kinalabasan ay talagang matamis ang tinapay na ito.
Magugustuhan ito ng mga bata kasi madaling kainin at matamis.

Halaga - ★★
Mahal ang tinapay na ito.. kapag Pan De Manila kasi medyo sosyalen na ang dating ng tinapay. =) P22 ang isang piraso at kumpara sa ordinaryong pan de coco sa bakery ay P2.. 1 vs 11 na piraso ang laban..

Others
Packaging ay malinis at pulido.

Basehan ng Review
★ - Di katanggap tanggap
★★ - Pwede ng pagtiyagaan
★★★ - Good o Average
★★★★ - Mas lamang kumpara sa iba
★★★★★ - Panalo ito at di ka magsisisi

Friday, December 2, 2011

Waffle Affordable



Sa bawat araw ng ginawa ng Diyos ay may mga dahilan bakit kailangan mong magpasalamat sa Kanya. Kaysa ikaw ay mainis sa sobrang traffic sa Edsa (normal na yan sa Pilipinas).. o kaya naman sa pedicab driver na sinakyan mo kanina na matindi ang amoy ng putok kasi halos 3 araw na yatang di naliligo (anubanamanyan... sagana kaya sa tubig dito sa Metro Manila).. o kaya sa sobrang siksikan sa MRT kapag rush hour.. Ganun talaga yun.

Na abutan ulit ako ng libreng meryenda.. parang sa Home Shopping sa TV.. "But wait! not just one.. but two!.. if you call within this period you get the third one for free.." Yun ang nangyari, nabigyan ako ng not just 1 but 3 waffles...yeheeeey! Ayun inupakan ko ng matindi at sa loob ng ilang minuto ay bigla itong naglaho.. parang Magic ng clown sa peryahan.

At ito ay oras na para sa Food Review..

Pagkain - ★★★
Walang kahirap hirap kainin. Natikman ko ang waffle na may hotdog.. yung waffle ok pero yung hotdog di ganun kajuicy kasi pang masa siya na tender juicy.. he he he
Yung cheese naman ay panalo na rin.. compliment siya sa waffle, tinapay + cheese

Halaga - ★★★★
Mura siya as in mura talaga... isipin mo sa halagang P15 ay makakapagmeryenda ka na. Di ka mabubusog sa 1 waffle lang.. pwede mong dagdagan ng 1 pang extra para solb ka... pero kung out of budget ka na ay uminom ka na lang ng maraming tubig pagkatapos.. he he he
Price starts at P15 - P25 depende sa flavor

Others

Maganda ang kanilang packaging at design.. pwede mo pa itong isama sa scrapbook kung may project ang mga bata sa school. :D


Basehan ng Review
★ - Di katanggap tanggap
★★ - Pwede ng pagtiyagaan
★★★ - Good o Average
★★★★ - Mas lamang kumpara sa iba
★★★★★ - Panalo ito at di ka magsisisi

Thursday, December 1, 2011

McDonalds Chicken Spaghetti Meal



Nailibre ng meryenda ng isa kong kasama sa opisina..
Siyempre libre ito kaya tatanggapin ko na..
Di naman ako mapili sa pagkain eh.. sige ba..
Pagbukas ng styro at ayan tumambad na..

Mc Chicken Spaghetti Meal na masarap ang amoy..
Hmmmm sarap ambango tila ang amoy sa ilong ko dumadaloy..
Sinimulang upakan ang pagkain sa harapan..
Ayun naubos at buto ng manok ang naiwan.. :D

Customer Review
Pagkain - ★★★
Madaling kainin ang spaghetti at fried chicken.. di ka mahihirapan at kaya mong ubusin ng 5 minutes.

Halaga - ★★★
Tama lang sa presyo.. pang masa.

Basehan ng Review
★ - Di katanggap tanggap
★★ - Pwede ng pagtiyagaan
★★★ - Good o Average
★★★★ - Mas lamang kumpara sa iba
★★★★★ - Panalo ito at di ka magsisisi
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...