Friday, December 9, 2011

The Sandwich Guy

Ngayon ko lang nalaman na meron palang ganito.. The Sandwich Guy! Siguro gumagawa sila ng sandwich.. hello obvious na obvious naman kaya.. pero ang tanong dun.. "Ano ang kakaiba sa sandwich nila kumpara sa ibang gumagawa ng iba't ibang sandwich?"

At ang sagot ay siyempre sa kanilang logo.. "Fresh not Fried". Sila ay gumagawa ng sandwich na walang mantika.. toasted ang tinapay.. keso at gulay ang palaman.. at may dressing din.. :)






At ito ay oras na para sa Food Review..

Pagkain - ★★★
Di mo mabilis na mauubos ito kasi di ganun ka exciting ang lasa.. pero habang kinakain mo siya ay may dressing na medyo matamis kaya matutuwa ka na rin. Mabango ang medyo toasted nilang tinapay.. wheat bread pa yata ito para healthy.

Kung keso, lettuce, at kamatis ang palaman nito.. sigurado hindi ito patok sa mga bata. Pero sa mga health concious.. sigurado mabenta ito.

Halaga -
Di ko alam ang presyo kasi libre lang ito sa amin.. he he he Yun ang assignment ko..


Others
Packaging ay malinis at pulido.

Basehan ng Review
★ - Di katanggap tanggap
★★ - Pwede ng pagtiyagaan
★★★ - Good o Average
★★★★ - Mas lamang kumpara sa iba
★★★★★ - Panalo ito at di ka magsisisi

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...