Monday, December 5, 2011

Pan De Coco



Nung bata pa ako ang aking tinapay na paborito ay pan de coco..
Matamis kasi ang nasa loob na kinudkod na galing sa niyog na may bao..
Maliliit at pabilog kalimitan ang hugis nito..
Pinipitpit.. at iniipit ang tinapay bago sa bibig ito isusubo. =)

Kakaiba naman itong pan de coco sa Pan De Manila..
Para itong local version ng cinnamon roll ah..
Mabango at masarap kaininin ang pan de coco na ito..
Medyo mahal nga lang kumpara sa simpleng natikman mo.

At ito ay oras na para sa Food Review..

Pagkain - ★★★
Ang tinapay ay tama lang ang lambot at ang minatamis na niyog ay sobrang dami kumpara sa ordinaryong pan de coco. Kaya ang kinalabasan ay talagang matamis ang tinapay na ito.
Magugustuhan ito ng mga bata kasi madaling kainin at matamis.

Halaga - ★★
Mahal ang tinapay na ito.. kapag Pan De Manila kasi medyo sosyalen na ang dating ng tinapay. =) P22 ang isang piraso at kumpara sa ordinaryong pan de coco sa bakery ay P2.. 1 vs 11 na piraso ang laban..

Others
Packaging ay malinis at pulido.

Basehan ng Review
★ - Di katanggap tanggap
★★ - Pwede ng pagtiyagaan
★★★ - Good o Average
★★★★ - Mas lamang kumpara sa iba
★★★★★ - Panalo ito at di ka magsisisi

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...