Friday, December 2, 2011
Waffle Affordable
Sa bawat araw ng ginawa ng Diyos ay may mga dahilan bakit kailangan mong magpasalamat sa Kanya. Kaysa ikaw ay mainis sa sobrang traffic sa Edsa (normal na yan sa Pilipinas).. o kaya naman sa pedicab driver na sinakyan mo kanina na matindi ang amoy ng putok kasi halos 3 araw na yatang di naliligo (anubanamanyan... sagana kaya sa tubig dito sa Metro Manila).. o kaya sa sobrang siksikan sa MRT kapag rush hour.. Ganun talaga yun.
Na abutan ulit ako ng libreng meryenda.. parang sa Home Shopping sa TV.. "But wait! not just one.. but two!.. if you call within this period you get the third one for free.." Yun ang nangyari, nabigyan ako ng not just 1 but 3 waffles...yeheeeey! Ayun inupakan ko ng matindi at sa loob ng ilang minuto ay bigla itong naglaho.. parang Magic ng clown sa peryahan.
At ito ay oras na para sa Food Review..
Pagkain - ★★★
Walang kahirap hirap kainin. Natikman ko ang waffle na may hotdog.. yung waffle ok pero yung hotdog di ganun kajuicy kasi pang masa siya na tender juicy.. he he he
Yung cheese naman ay panalo na rin.. compliment siya sa waffle, tinapay + cheese
Halaga - ★★★★
Mura siya as in mura talaga... isipin mo sa halagang P15 ay makakapagmeryenda ka na. Di ka mabubusog sa 1 waffle lang.. pwede mong dagdagan ng 1 pang extra para solb ka... pero kung out of budget ka na ay uminom ka na lang ng maraming tubig pagkatapos.. he he he
Price starts at P15 - P25 depende sa flavor
Others
Maganda ang kanilang packaging at design.. pwede mo pa itong isama sa scrapbook kung may project ang mga bata sa school. :D
Basehan ng Review
★ - Di katanggap tanggap
★★ - Pwede ng pagtiyagaan
★★★ - Good o Average
★★★★ - Mas lamang kumpara sa iba
★★★★★ - Panalo ito at di ka magsisisi
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment