Wednesday, December 1, 2010

Kapag Nanalo ako sa PCSO Grand Lotto..



Ano kaya ang gagawin ko kapag nanalo ako sa PSCO Grand Lotto ng 741 million?

"Madali lang yan.. eh di bibili ako ng bahay at sasakyan... o kaya naman mag-iinvest ako sa isang negosyo.. o kaya naman baka ihulog ko na lang muna sa bangko.. time deposit ba... o kaya naman magdodonate ako para makatulong sa mahihirap.. o kaya magpapatayo ako ng school para sa mga walang pampaaral..."

Maganda ang mga naiisip mong gagawin... pero tandaan mo bago mo gawin yan, lahat ng media, kapitbahay mo, pedicab driver, o magbabalut ay inaabangan ang taong magcclaim o kukuha ng jackpot price. Kung icclaim mo ito ngayon ay magiging delikado ang buhay mo... Mas maganda na walang makakaalam nito maliban sa sarili mo... para na rin sa seguridad at proteksyon ng pamilya mo.... Grabe talaga! parang di na magiging normal ang buhay mo at ng pamilya mo kapag nanalo ka sa PSCO Grand Lotto.

Sa Antipolo ay may nanalo sa PCSO Super Lotto... kapitbahay ito ng security guard namin sa trabaho...masayang masaya siya at nagpablow out pa sa mga kapitbahay nya. Nakuha nya ang premyo at siyempre sa kagandahang loob ay binigyan nya ang mga kamag-anakan at kaibigan. Pagkalipas ng ilang buwan at pinatay sya mismo ng kamag-anak nya na nainggit sa nangyari sa kanya.

Mas mahalaga ang buhay mo.. pwede mo namang iclaim o kunin ang premyo pagkalipas ng 3 o 6 na buwan... bastat buo pa ang ticket na nasa saiyo..
☺►

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...