Friday, March 4, 2011

Siopao Asado ng 7-Eleven



Nanlibre ang kasama ko sa trabaho,
Ng isang masarap na siopao asado,
Mabibili ito sa 7-Eleven na nasa kabilang kanto,
Na kaya mong lakarin ng ilang minuto.

Masarap ito lalo na kung mainit,
Malambot ang tinapay nito at medyo malagkit,
Lalo na kung bagong hain nakalagay sa plastic na maliit,
Matatakam ka pa sa sauce nitong matamis at medyo malagkit.

Ang ayoko lang sa siopao na ito,
Kapag di na malamig ay sintigas na ng bato,
Na pwede mong ipalo sa ulo ng kaaway mo,
Siguradong malaking bukol ang magagawa nito.

Pero mainit man o hindi dapat mo itong ienjoy kainin,
Lalo na kapag libre wala kang ginastos kahit kusing,
Magpasalamat ka na lang at may nagbigay,
Inggitin mo na lang ay iba hayaan mong tumulo kanilang laway. ☺►


Total Damage = P36

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...